YORME’S CHOICE SUPORTADO NG TATLONG MAJOR PEOPLE’S ORG

NAGKAISA ang tatlong pangunahing people’s organization para sa mayoral candidate na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at vice mayoral candidate na si Chi Atienza at sa buong slate ng “Yorme’s Choice” sa darating na midterm elections.

Ipinakita ang suporta ng nagkakaisang samahan ng Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan Sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño sa isinagawang aktibidad sa Ninoy Aquino Stadium noong Linggo.

Isang malaking pagpapakita ng lakas para kay Domagoso at sa kanyang koponan ang pagsasama-sama ng tatlong pangunahing organisasyon sa kanilang kandidatura para sa papalapit ang lokal na panahon ng kampanya.

Sa kanyang pag-akyat sa entablado, muling pinaalab ni Domagoso ang libu-libo nilang tagasuporta kung saan hinihikayat ang kanyang mga tagasuporta na maghanda para sa darating na halalan.

Si Domagoso, na nagnanais na muling maging alkalde ng lungsod, ay nagpakita ng tiwala na makakatulong ang mga organisasyong sumusuporta sa kanya upang matamo ang tagumpay.

“Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,” sinabi niya sa mga tao.

Si Vice mayoral candidate Chi Atienza, anak ng dating Alkalde ng Maynila na si Lito Atienza, ay nangako ng kanyang buong suporta sa pamumuno ni Domagoso.

“Makakaasa kayo na para maging isang mabisang bise-alkalde, susuportahan ko nang buong-buo si Yorme Isko Moreno Domagoso,” sabi ni Atienza.

Ang samahan ng KABAKA kung saan ang nagtatag nito na si dating Manila 5th District Rep. Amado bagatsing ay nagsabi na pareho ang kanilang pananaw ni Domagoso sa pagbabalik ng disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila.

Nagbigay pa ng karagdagang bigat pampulitika sa kaganapan ang presensya ni dating Alkalde ng Maynila at BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza, na nagbigay ng kanyang suporta kay Isko, Chi, at ang Yorme’s Choice slate.

Ang malakihang pagtitipon din ay nagmarka ng pagbubukas ng taunang Inter-Barangay Basketball Tournament ng KABAKA, isang kolaborasyon sa AKSYON Youth na naglalayong itaguyod ang kalusugan at grassroots sports development sa buong Maynila.

Ang pagbubukas ng tournament ceremony na may 200 na partisipanteng koponan mula sa iba’t ibang barangay, ay dinaluhan ng mga pangunahing tao tulad ni vice mayoral candidate Chi Atienza, dating Mayor Isko Moreno, dating Congressman Amado Bagatsing, at Philippine Basketball Association (PBA) standout na si Adrian Nocum ng Rain or Shine. (Jocelyn Domenden)

35

Related posts

Leave a Comment