KAMPANYA KONTRA DROGA HINDI DAPAT PURO ENFORCEMENT

NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros sa administrasyon na huwag lamang idaan sa law enforcement ang kampanya kontra droga.

Umaasa ang mambabatas na makikiisa at makikipagtulungan ang kasalukuyang gobyerno sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng war on drugs; sa pagrepaso ng mga kasalukuyang polisiya tungo sa mas komprehensibo, inklusibo, makatao at makatarungang drug response; at sa pagsusulong ng isang community-based drugs prevention and voluntary treatment and rehabilitation.

Inaasahan din ni hontiveros na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay mas mabibigyang-diin ang pagtugon sa mga health at social services ng mga nangangailangan gaya ng mga persons who use drugs (PWUDs) at maging ng mga vulnerable sa paggamit na ipinagbabawal na gamot.

Ang pahayag ay ginawa ni Hontiveros sa pakikiisa sa international community na nanawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign ng pamahalaan.

Tiniyak din ng mambabatas ang kanyang pakikiisa sa mga biktima ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender inclusive.

Ipinunto ng senadora na ang karanasan ng bansa sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon ay hindi naging epektibo at nakalikha lang ng oportunidad para sa human rights abuses at violations at nagpalala ng sitwasyon ng mga mahihirap na komunidad.

(DANG SAMSON-GARCIA)

155

Related posts

Leave a Comment