ILANG araw bago ang inaasahang pagharap bilang testigo ng House Prosecution Team, nagtungo sa Senado si Vice President Sara Duterte Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez upang asikasuhin ang ilang administrative concerns kaugnay ng impeachment trial.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., kabilang sa mga kahilingan ng kampo ng bise presidente ang pagdadala ng refrigerator, coffee maker at sariling caterer sa Senado.
“They asked if they can bring in a refrigerator, a coffee maker. Sabi ko, yes. And then whether they can engage their own caterer,” ani Bantug.
Sinabi rin ng Senate Secretary na nagtanong si Lopez kung maaari silang magdala ng sariling media team na papayagang makapasok sa Senado ngunit hindi sa plenary hall.
Nilinaw naman ni Bantug na hindi niya naihain kay Lopez ang subpoena ng Impeachment Court dahil wala pa ito sa kanyang kustodiya nang magkita sila.
Bago umalis ng Senado, sinabi ni Lopez sa mga mamamahayag ang katagang, “Prepare for Typhoon Inday.”
(DANG SAMSON-GARCIA)
34 