KANDIDATURA NG HINDI TUNAY NA PILIPINO, MAAARING MAKANSELA

SINABI ni Pasay City District 2 Election Officer IV Atty. Alvin Tugas na maaaring makansela ang kandidatura ng isang kandidato kapag may kwestyon sa kanyang nasyunalidad.

Ito ay sa gitna ng usap-usapan na may tumatakbong konsehal sa Pasay City na hindi umano lehitimong Pilipino dahil ang mga magulang ay parehong Chinese.

Gayunman, nilinaw ni Tugas na wala pa silang natatanggap na reklamo kaugnay sa citizenship ng sinomang tumatakbong konsehal sa distritong hawak niya.

Iginiit ni Tugas na sa sandaling may maghain ng reklamo at napatunayan na nagkaroon ng misrepresentation, ito ang gagamiting grounds para sa disqualification ng isang kandidato.

Kahit manalo sa halalan ay maaari pa aniya itong habulin sa paghahain ng quo warranto sa usapin ng citizenship.

(DANNY BACOLOD)

125

Related posts

Leave a Comment