REPORMA, totoo at desperadong pagbabago ang dala ng isang mayoralty candidate sa Maynila sakaling maluklok ng mga Manileno para sa May 12 elections.
Sa Balitaan sa Tinapayan, binigyang-diin ni Manila Mayoralty candidate Sam “SV” Verzosa na nais niyang mailatag ang pro-Manileno, pro-politiko na puro pagtulong pagbago ng buhay at magagandang proyekto ang kanyang gagawin para sa mga batang Maynila.
Ayon sa negosyante, kapag nailatag na ang kanyang reporma, kahit paano aniya ay may magandang susundan ang mga bagong henerasyon sakaling matapos ang kanyang termino o pamumuno.
Ipinangako rin ni Verzosa na hindi niya pag-iinteresan ang pera ng Manilenyo dahil sarili niyang pera at gastos ang ginagamit niya ngayon sa kanyang pangangampanya.
Aniya, di tulad niya na marami nang negosyo bago pumasok sa pulitika– karamihan sa mga politiko o pumapasok sa pulitika ay mahirap at yumaman na lamang at nagkanegosyo.
Diin niya, kinaya niyang iangat ang kanyang negosyo kaya kaya rin niyang iangat ang Maynila, idinagdag pa na ang kanyang pagnenegosyo ay hindi makaaapekto o walang anomang interes sa pagpasok sa pulitika.
Sinabi pa ni Verzosa na gusto rin niyang tapusin ang mga trapo, korap sa Maynila para sa malinis, transparent at accountable na pamumuno sa lungsod.
(JOCELYN DOMENDEN)
