KAP SASAGUPA SA BATA NI DU30

NAHAHARAP sa matinding sagupaan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan. Ang kanyang tatapatan – pambato ng administrasyong Duterte.

Gayunpaman, kampante si Kapitan Renato Castro ng Barangay Manggahan, na makakasilat ng panalo laban sa pambato ng PDP-Laban na si Vice-Mayor Ricky Buenaventura, lalo pa’t kabi-kabilang pag-endorso na ang ipinahatid ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Castro ang 20 pastor mula sa iba’t ibang religious organizations, mga negosyante, non-government organizations at maging ang mga residente ng nasabing lokalidad.

Nitong nakaraang linggo ay isa si Castro sa mga naghain ng kandidatura para sa darating na 2022 election, kasama ang kanyang runningmate sa vice-mayoralty post na si Obet Perez at ang apat na konsehal na sina Froilan Caguiat, VJ Salazar, Christian Catahumber at Ronald Cristobal sa ilalim ng National Unity Party (NUP). (ELOISA SILVERIO)

153

Related posts

Leave a Comment