Kapag ni-regulate ang socmed KULUNGAN MAPUPUNO NG NETIZENS

MAPUPUNO ng netizens ang mga kulungan sa bansa kapag nagtagumpay si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-regulate ang social media na ginagamit
umano ng mga terorista sa kanilang krusada laban sa gobyerno.

Ito ang pinangangambahan ng mga militanteng mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay ng plano ni Gapay na isama sa Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Anti-
Terror Law ang pagre-regulate sa social media.

Ayon kina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, sa social media lamang inilalabas ng taumbayan ang kanilang hinaing sa gobyerno.

“Marami ang nagpapahayag ng kanilang hinaing sa social media lalo ngayong panahon ng pandemya. Baka pagkamalan silang terorista at arestuhin na lang,” ani Brosas, lalo na’t maaaring
magsagawa ang mga otoridad ng pag-aresto nang walang arrest warrant. ‘DI AABUSUHIN

Tiniyak naman ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi maaabuso ang Anti-Terror Law of 2020 lalo na sa hanay ng kasundaluhan sa likod ng agam-agam ng mga militanteng
organisasyon.

Kasunod ito ng mungkahi ni Ltgen Gapay na i-regulate ang paggamit ng social media.
Agad tiniyak sa publiko ng bagong hirang na si Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na

hindi maaabuso ng kasundaluhan ang bagong batas sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Nilinaw pa ng heneral na isang medal of valor awardee, na kabilang sa kanilang doktrina ang

pagtataguyod ng “rule of law”, paggalang sa karapatang pantao at pagtalima sa international

humanitarian law sa kanilang pagtugis sa mga kalaban ng estado.
Agad ding gumawa ng paglilinaw si AFP Spokesman Maj. General Edgard Arevalo na sumagot

lamang si Gen. Gapay sa tanong hinggil sa posibleng mungkahi ng AFP sa binubuong IRR at ito ay

base sa kanyang karanasan hinggil sa paggamit ng social media ng mga teroristang grupo.

Samantala, inihayag ni Gen. Gapay na wala umanong basehan ang pangamba ng mga militante na gagamitin lamang ang Anti-terror law laban sa mga kritiko ng administrasyon dahil titiyakin niya na ang bawat sundalo ay paiiralin ang “self-restraint” at disiplina sa pagpapatupad ng Anti- Terrorism Act of 20202.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin lorenzana, siya man ay nabigla sa naging pahayag ni Gen. Gapay kaya pinagpaliwanag niya ito. (BERNARD TAGUINOD/JESSE KABEL)

163

Related posts

Leave a Comment