KAPULISAN SA METRO FULL ALERT NA SA CLASS OPENING

pnp12

(NI DAVE MEDINA)

NASA full alert status ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasukan ng mga eskwela sa Hunyo 3.

Sa panayam kay NCRPO chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, isa sa mga tututukan ay ang pagresponde sa pekeng bomb threats na taun-taon ay problema ng NRCPO tuwing nagbubukas ang klase.

Tiniyak ni Eleazar na may nakalatag na protocol para sa mga ulat tungkol sa bomb threats bilang bahagi ng security preparation ng NCRPO.

Sakali aniyang may natanggap na bomb threat ang isang tao ay dapat itong agad na makipag-ugnayan sa school’s administration at security officials upang agad na maiulat sa pinakamalapit na police station para sa agarang pagresponde.

Sa naturang protocol ay ipatutupad ang evacuation sa sandaling dumating na ang explosives ordnance division (EOD) at agad na magsasagawa ng search operations.

At kung may matatagpuang bomba ang EOD ay magsasagawa sila  ng safe rendering procedure para ma-detonate ang bomba.

Magugunitang noong isang araw ay  sinabi ni Maj. Gen. Eleazar na nasa  7,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para tiyaking ligtas ang mga estudyante sa pagbubukas ng kanilang klase.

236

Related posts

Leave a Comment