KASADONG PANDARAYA KAY BBM SA MAY 9, DAPAT BANTAYAN

HABANG papalapit ang May 9 elections ay unti-unting nagla­labasan ang desperadong plano umano ng pandaraya ng mahigpit na kalaban sa pulitika ni presidential frontrunner, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kung ang pagbabasehan ay ang suporta ng sambayanan kay BBM ay sure win na ito ngunit hindi dapat balewalain ang huling baraha na pakakawalan ng kalabang kampo sa araw ng botohan.

Bagama’t nabigo ang grupo ng dilawan at pinklawan sa pagpapa-disqualify kay BBM sa presidential run sa Comelec ng kilalang tagasuporta ni Robredo na si retired commissioner Rowena Guanzon at hindi umubra ang tax evasion case na ikinasa ni dating associate justice Antonio Carpio, ay hindi dapat maging kampante ang sambayanan sa final attack laban kay BBM upang hadlangan ang pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang.

Kailan lamang ay natuklasan ni Senadora Imee Marcos ang naging security breach sa Smartmatic na posibleng gagamitin upang dayain si BBM sa darating na halalan at ito’y iniimbestigahan na ng Comelec at NBI. Mayroon ding alegasyon ng machine result switching sa ating mga kababayang OFW sa Singapore at Dubai na ang kanilang ibinoto ay si BBM, ngunit ang lumabas ay pangalan ni Robredo? Paano po kaya makakatikim ng malinis na eleksyon ang ating bansa kung mayroong mga posibleng sangkot sa Comelec sa pagmamanipula, at ang nais iluklok ng taumbayan sa puwesto ay pinagkaitan ng karapatan.

Matatandaang noong 2016 nang tumakbo sa pagka-vice president si BBM ay maraming naging patunay ang kampo nito na may talamak na dayaan, isa rito ay ang ilang ballot ­image mula sa Camarines Sur at ­Negros Oriental na nagkaroon ng “square” sa unahan ng pangalan ni Robredo sa balota na posibleng signal upang ito ang basahin ng machine at ang under vote at over na dapat ay spoil ballot ay isinama pa rin umano sa bilang na nakuha ni Robredo.

Ngunit, siniguro naman ngayon ng maraming tagasuporta ni BBM ang isang tunay na “People Power” upang suportahan ito at hindi na muling magtagumpay ang kanilang paninira sa mga Marcos sa maraming taon at tanggapin ang katotohanan na gising na ang sambayanan sa pekeng demokrasya na ibinigay ng 1986 EDSA Revolution sa panahon ni Cory Aquino na mas nagpahirap sa bansa at nagbigay ng lakas sa mga komunista matapos palayain ni Cory si Joma Sison sa kanyang military detention noong March 5, 1986, isang buwan matapos maagaw nito ang pamahalaan.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

189

Related posts

Leave a Comment