INAASAHANG sasalang na rin ang mga kasambahay sa pagbabakuna sa susunod na buwan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kinukonsidera na rin kasi ang mga ito bilang indigent.
“Well, sa tingin ko po unang-una, simulan natin iyong listahan ng 4Ps kasi iyan po ang garantisado na sila po ay mga indigents. Pero tama po, hindi po iyan exclusive. Iyong mga kasambahay, tingin ko po mako-consider iyan as indigents din, eh mayroon naman po tayong mga pruweba,” aniya.
Ani Sec. Roque, maaaring gamitin ang SSS at PhilHealth bilang mga katibayang saklaw ang mga kasambahay sa indigent group at may karapatang mapabilang sa A5.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni testing czar Vince Dizon na iminumungkahi ng National Task Force na mabigyan ng flexibility ang mga lokal na pamahalaan upang madetermina kung sino ang kasama sa A5.
Sinasabing, makakasabay ng mga nasa A5 group ang A4 na bubuuin naman ng mga frontliner at essential workers. (CHRISTIAN DALE)
185
