(NI RENE CRISOSTOMO)
MISMONG abogado ng pamilya ng pinatay na Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III ang humiling na mailipat sa Department of Justice (DoJ) , ang preliminary investigation laban sa mga kinasuhan suspek , sa Sampaloc,Manila.
Ayon kay Atty. Edward Marcaida, sa ginanap na press conference, hiniling ng kampo ni Yuson na ang DOJ ang humawak ng kaso sa halip na kay Manila City Asst. Prosecutor Jovencio Senados.
Pinag-aaralan din umano ng kampo ni Yuson na kasuhan si Senados matapos nitong ‘i-refer for further investigation ‘, ang kaso.
Samantala, nanawagan naman si Lalaine Yuson, biyuda ng pinaslang na alkalde, kay Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan sila sa kaso para lumabas ang katotohanan .
Iginiit ni Lalaine na walang iligal na aktibidad ang kanyang mister tulad ng pinalulutang ng iba na sangkot ito sa iligal na droga at gun running activities.
