KITA NG GASOLINAHAN, ITINAKBO NG 3 EMPLEYADO

CAVITE – Nadakip ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan nito na pawang mga empleyado ng isang gas station, makaraang tangayin ang halagang P100,000 na kita ng gasolinahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) footage ang mga suspek na sina Resty Rotaquio, agad nadakip; George Barlizo at JM Febre, kasalukuyang pinaghahanap, pawang nasa hustong edad.

Ayon sa salaysay ni Ronald Fernandez, ng Petro Gazz Station sa Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite, kay Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, bago niya natuklasan ang insidente ay napansin niyang hindi siya maka-connect ng wifi dahilan upang tignan ang wifi router nito.

Pagpasok niya sa kanilang opisina dakong alas-2:20 kahapon ng madaling araw  nang napansin niyang hindi naka-lock ang sliding door at nabungaran niya ang ilang barya na nakakalat sa sahig at bukas ang volt na may lamang P100,00 na kita ng gasolinahan.

Bunsod nito, pinanood niya ang CCTV sa lugar kung saan nakita ang tatlo na tumangay ng nasabing halaga at sa isinagawang follow-up operation ang nalambat si Rotaquio. (SIGFRED ADSUARA)

189

Related posts

Leave a Comment