KOKO NATAMEME KAY DU30?

TILA natameme si Senador Koko Pimentel nang tumestigo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee ukol sa extra-judicial killings (EJKs) sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa halos kabuuan ng pagdinig, mistulang si Duterte ang naging presiding officer ng hearing na pinuna rin ng mga netizen. Nabigo rin si Pimentel na pigilan ang pagmumura ni Duterte.

Kasunod nito, hindi na padadaluhin sa susunod na hearing si Duterte. “Huwag na muna. Let’s give the airtime to the others kasi he has a way of dominating and monopolizing the time,” paliwanag ni Koko.

Samantala, pinuna ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Pimentel sa hindi patas aniyang pagtrato kay Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, tila binastos ng komite si Duterte dahil hindi ito binibigyan ng pagkakataong sumagot nang maayos.

“We invited the former President to listen to him. Sana kung magsalita siya, bigyan naman natin ng time dahil pumunta siya rito,” wika ni Bato.

Aniya, binigyan ni Pimentel, bilang presiding officer ng Blue Ribbon committee, ng pagkakataon ang ibang resource persons na malayang magsalita habang hinahayaan naman nito ang ibang senador na putulin ang sinasabi ni Duterte. Hindi rin naitago ni Dela Rosa ang pagkadismaya sa pagpayag ni Pimentel na sumingit ang ibang senador habang siya’y nagtatanong sa dating pangulo.

Samantala, tinawag naman ng netizens si Pimentel bilang “balimbing” dahil dati itong masugid na supporter ni Duterte bago tumalon sa minorya ng Senado.

109

Related posts

Leave a Comment