BIG WIN para sa mga Pilipino.
Ito ang paglalarawan ni Senador Christopher Bong Go sa inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema sa paglilipat ng sobrang pondo ng Philhealth sa national treasury.
Nanindigan si Go na ang pondo ng Philhealth ay dapat ilaan lamang sa kalusugan ng sambayanan.
Nangako naman ang Senado na hindi niya titigilan ang PhilHealth hanggang tuparin nila ang lahat ng kanilang pangako kasama na ang pagtaas ng kanilang case rates; pagpapalawak ng benefit packages; pagbaba ng premium contribution; pagkakaloob ng emergency at preventive care; pagbibigay ng dental at visual care, libreng gamot, assistive devices at iba pang pangangailangang pangkalusugan sa mahihirap at pagsasaayos ng mga outdated na polisiya.
Sa panig naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, iginiit na dapat mabantayan ang mga mekanismo sa paggamit ng pondo na kontribusyon ng mamamayan. (DANG SAMSON-GARCIA)
