C7000 – C7009MISTULANG hinarang ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagharap sana ng mga kongresista sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments kaugnay sa ipinapanukalang Charter change.
Agad namang nagpaliwanag si Zubiri at kinumpirma na pinakiusapan niya si Senador Robin Padilla na huwag ituring ang mga kongresista bilang resource person bilang pagtugon sa kanilang interparliamentary courtesy.
Kadalasan anyang iniimbitahan ng Senado ang mga kongresista bilang mga panauhin at hindi resource persons na maaaring i-interpellate o gisahin.
Iniiwasan rin anya ang senaryo na magkakaroon ng mainit na argumento sa magkakaibang opinyon.
Sa naging pag-uusap rin aniya nila ay sumang-ayon si House Speaker Martin Romualdez na dapat manatili ang tradisyon at respetuhin ang inter parliamentary courtesy.
Kasabay nito, kinumpirma ni Zubiri na magsasagawa sila ng executive session kasama ang mga lider ng Kamara at Senado tungkol sa panukalang Charter change matapos ang session break.
Ito ay bilang pagtugon sa panawagang ceasefire ni Congressman Elpidio Barzaga sa nangyayaring diskusyon sa Cha-cha. (DANG SAMSON-GARCIA)
