KONGRESO KINAMPIHAN SA ABS-CBN SHUTDOWN

MISTULANG pagkampi sa mababang kapulungan ng Kongreso na tuluyang ibinasura ang hirit na prangkisa ng ABS- CBN Corporation ang tinuran ni Senador Panfilo Lacson na igalang ng publiko ang desisyon.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na hindi dapat panghimasukan ninuman ang kanya-kanyang dahilan ng bawat kongresistang tumangging bigyan ng prangkisa ang network.

“Unang una, Kongreso ang may authority under the Constitution para mag-approve. Kaya tawag doon legislative franchise.

Kung anoman ang individual na dahilan o collective na dahilan ng mga kongresista kaya nila ni-reject o hindi binigyan ng franchise ang ABS-CBN, nasa kanila yan,” ayon kay Lacson.

Ngunit, sinabi pa ni Lacson na sa bahagi ng ABS-CBN, kung bumagsak sila ngayon, iba na ang usapan kinabukasan, sa susunod na araw o taon.

“I’m sure babangon uli at babangon. Sa ABS-CBN naman, you fall today but you will rise tomorrow. Ganoon lang kasimple yan,” ayon sa mambabatas.

Tinabla naman ni Lacson ang pananaw ng karamihang pumapabor sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN na pawang pagyurak sa press freedom ang nangyari sa mababang kapulungan.

“Ang sinasabi ng iba na assault sa press freedom, yan ay isang opinion pero kung titingnan din naman natin ang constitutional requirement dito na ang Kongreso, ang HOR for that matter,” aniya.

Ginawa lamang aniya ng mababang kapulungan ang tungkulin nila sa ilalim ng Saligang Batas na dapat irespeto ng lahat.

“Anoman ang dahilan nila mapa-selfish ang dahilan, talagang mandate nila at authority nila yan under the Constitution na mag-approve or disapprove ng application for legislative franchise,” ayon sa dating hepe ng PNP.

Samantala, kung tanggap ni Lacson ang desisyon ng Kamara, taliwas naman ang pahayag ni Senate President Pro- Tempore Ralph Recto.

Aniya, sa panahon na mas higit na kailangan ang bawat media outlet na maghatid ng life-saving information, hindi dapat ipinasasara ang isa na may pinakamalawak na manonood.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na dapat sa panahon ngayon, inililigtas natin ang bawat trabaho, hindi ganitong tila wholesale unemployment ng libu-libong manggagawa.

“When we need every tax peso collected so we don’t take a second mortgage on our children’s future, we don’t shut down a large taxpayer,” ayon kay Recto.

Sinabi ng senador na ngayon, kailangan ng bansa ang entertainment upang labanan ang nakababagot na quarantine, hindi dapat pinapatay ang pinakamalaking producer sa lahat.

“A noisy press, all the more the sound from outlets which does not please our ears, is the soundtrack of democracy,” paliwanag pa ng senador. (ESTONG REYES)

153

Related posts

Leave a Comment