KONTRA 5-6: MURANG PAUTANG ISABATAS NA — DTI

dti66

(NI ABBY MENDOZA)

SA hangarin na matigil na ang ‘5-6,’ hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa House of Representatives na gawin nang batas ang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso(P3).

Ang P3 ay isang inisyatibo ng pamahalaan para matulungan ang mga pinakamaliliit na negosyante sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pautang na mayroon lamang 2.5% na interes kada buwan.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na bukod sa alternatibong pagkukuhanan ng kapital, pangunahing layunin ng P3 na tuluyang buwagin ang 5-6 na kadalasang takbuhan ng maliliit na negosyante gaya ng market vendors, sari-sari store owners, stall owners, at iba pa.

Ani Lopez, nasa P4B  ang kailangan kada taon para sa implementasyon ng nasabing programa ng gobyerno.

Para sa 2020, naglaan ang DTI ng P1.3 billion para sa development program ng micro, small and medium enterprises.

Sa ilalim ng programa, maaaring makahiram mula P5,000 hanggang P300,000 depende sa laki at kakayahang magbayad ng isang negosyante.

Matatandaang na noong 17th Congress ay ipinasa ng Kamara ang P3 bill pero hindi inaprubahan ang counterpart version nito sa Senado.

 

167

Related posts

Leave a Comment