OPISYAL NG BUCOR IPATATAWAG SA ‘GOOD CONDUCT LAW’

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SINABI ni Senate Minority leader na ipatatawag niya sa Senado ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BUCOR) upang ipaliwanag ang sinasabi nilang komputasyon sa pananatili ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez at ang nabuking na posibleng paglaya nito sa susunod na dalawang buwan.

Kasabay nito hindi rin aatras si Drilon sa kanyang panukala na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng Bureau of Corrections ng Good Conduct Time Allowance Law o RA 10592.

Ito ay kahit tiniyak ng gobyerno na hindi sakop ng batas si dating Calauan mayor Antonio Sanchez na una nang idineklarang posibleng makalaya sa susunod na dalawang buwan.

Sinabi ni Drilon na isa lamang ang kaso ni Sanchez sa mga posibleng mali ang pagpapatupad ng batas kaya’t nararapat lamang na suriin ito.

“Dapat ituloy (pagdinig) dahil hindi lang naman si Sanchez ang involved dito dahil sabi nila nasa 10,000. Hindi lang si Sanchez ang involved dito kundi kasama rin ang anim niyang bodyguard. Kaya yan din ang dapat nating itanong,” saad ni Drilon.

“Yung Bucor officials, tanungin natin kung paano naman sinabi nila na pwede nang mapalaya si Sanchez sa ilalim ng GCTA. At  kung may kailangang pagbabago isabatas, kung kailangang liwanagin gawin natin. Rebyuhin natin ang implementasyon, kung nagkulang bakit? May problema ba sa implementasyon, Meron bang maling ginawa? Meron bang katiwalian na nangyari sa recording?” diin pa ng senador.

Natatawa naman si Drilon sa mga argumento na nararapat nang ipatupad ang death penalty matapos ang kaguluhan sa kaso ni Sanchez.

“Natatawa lang ako dyan. I  find that funny, ang ibig nilang sabihin na kung may death penalty noon ay di nangyari itong krimen na ito. Aba, nakita ko noon ang mukha ni Mayor Sanchez na yan, may death penalty man o wala, gagawin nya talaga ang krimen na yan,” diin ng senador.

180

Related posts

Leave a Comment