Pinagtibay pa ang kooperasyon ng Pilipinas at miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) pagdating sa usapin ng Single Window System sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman na inaasahang magsisimula sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng 10-nation bloc para palakasin ang cross-border trade at pagbabawas ng gastusin at oras ng kalakalan sa buong rehiyon.
Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bukod sa Pilipinas, ang iba pang ASEAN member-states na nakahandang pumasok sa ASEAN Single Window (ASW) platform ay ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam, Brunei at Cambodia.
Gayundin ang Myanmar at Laos na inaasahang sasama na rin sa ASW sa darating na buwan ng Nobyembre at Disyembre 2019.
Ayon pa kay Beltran, ang United States, Australia at New Zealand ay magbibigay ng technical assistance sa ASEAN para tiyakin na ang mga miyembro nito ay maging ‘full advantage’ sa ASW sa taong 2020.
“Once the ASW is streamlined and used across ASEAN, businesses will benefit through lower transaction costs and less time to export their goods to countries within the region. Lower transaction costs will, in turn, enhance ASEAN’s trade competitiveness,” ayon kay Beltran.
Ang Pilipinas ay sumali sa ASW sa pamamagitan ng kanilang National Single Window (NSW) dubbed TradeNet, na kung saan mapapadali ang online ng proseso ng permits, licenses at iba pang clearances para sa export at import ng goods sa buong region.
Ang TradeNet ay konektado at bahagi sa NSWs ng iba pang ASEAN members para pabilisin ang cargo clearance at maisulong ang regional integration. (Jo Calim)
204