KORAPSYON SA PHILHEALTH, DIDIINAN NG 3 TESTIGO

TINUKOY ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang tatlong dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tetestigo hinggil sa mga iregularidad sa ahensya.

Sa virtual press briefing sa Senate Media, pinangalanan ni Lacson sina PhilHealth board member Alejandro Cabading, Estrobal Laborte, dating executive assistant ni PhilHealth chief Ricardo

Morales, at ang nag-resign na anti-fraud legal officer na si Atty. Thorrsson Montes Keith bilang testigo sa pagdinig ng Senado na sisimulan ngayong araw (August 4).

“Itong tatlong witnesses, they have a lot to say about the anomalies in PhilHealth.. major issues na IRM (Interim Reimbursement Mechanism), financial statement, at saka ‘yung procurement ng ICT equipment,” saad ni Lacson.

“Si Board member Cabading ito ‘yung naka-shouting match during the webinar,” paliwanag pa nito.

Matatandaang sa resignation letter ni Keith, tinukoy na isa sa dahilan ng kanyang pagbibitiw ang “massive corruption” sa PhilHealth.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang dalawang linggong lockdown sa Senado ay hindi makaaapekto sa Senate hearing hinggil sa PhilHealth.

Inaasahan din sa pagdinig si Morales, Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel De Jesus, mga senior vice president at iba pang opisyal nito.

NAKASUSUKLAM

Ito naman ang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa nangyayaring katiwalian sa PhilHealth kahit ngayong panahon ng pandemya.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang mga ulat na katiwalian tulad ng information technology component na overpriced umano ng P734 milyon bukod pa sa overpriced din na COVID-19 test
dahil nasa gitna ng pandemya ang bansa subalit mistulang sinasamantala pa ng mga sindikato ang pagkakataon para pagnakawan ang mamamayan.

Sa panig naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kailangang kastiguhin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth dahil mistulang walang takot ang mafia sa kanya.

Ayon sa lady solon, kilala si Duterte na kapag katiwalian ang pinag-uusapan ay galit na galit ito subalit nakapagtataka kung bakit hindi niya kinastigo ang PhilHealth sa kanyang SONA. (DANG
SAMSON-GARCIA, BERNARD TAGUINOD)

134

Related posts

Leave a Comment