KUBO PINAGBABARIL; 2 SENIORS, PASLIT SUGATAN

NATAGPUANG sugatan ang tatlo katao, kabilang ang dalawang senior citizens at 4-anyos na lalaking paslit makaraan umanong pagbabarilin ang kanilang kubo sa Indang, Cavite noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Franco”, 63, isang magsasaka; “Juanita”, 62, at alyas “Nathan”, 4-anyos, pawang residente ng Sitio Buho, Brgy. Daine 1, Indang, Cavite.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek at kung anong baril ang ginamit sa pamamaril.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang nakatanggap ng ulat ang Indang Municipal Police Station ng report hinggil sa narinig na putukan sa nasabing lugar bandang alas-10:55 ng gabi.

Mabilis na nagresponde ang mga operatiba ng Indang MPS at natagpuan ang mga biktimang pawang nakadapa at sugatan sa mga tama ng bala mula sa ‘di nabatid na kalibre ng baril sa loob ng kanilang kubo.

Ayon pa sa pulisya, isolated area ang tirahan ng mga biktima.

Nagsasagawa ng pagtatanong ang pulisya sa mga saksi sa insidente gayundin ng backtracking sa CCTV hinggil sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

60

Related posts

Leave a Comment