TINATAYANG P26.6 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police sa Brgy. Alimango, Escalante City, Negros Occidental noong Lunes ng gabi.
Isang 29-anyos na lalaki ang nahuli sa pangunguna ng Regional Special Operations Group ng Police Regional Office–Negros Island Region, katuwang ang iba’t ibang yunit.
Nakumpiska ng PNP ang 447 master cases ng mga sigarilyo na may unauthorized tax seals at walang required health warning graphics.
Dinala na sa Escalante City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at temporary custody.
Pinapurihan naman ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang operasyon at sinabing hindi sapat na hintayin na kumalat pa ang illicit goods bago sila kumilos.
Sa tulong umano ng intelligence at coordination, maagang makakikilos ang mga pulis at mapoprotekthan ang lehitimong mga negosyo.
(TOTO NABAJA)
67 