Kulang sa abiso na under construction pa 1 PATAY SA OBISPO BRIDGE SA CAVITE

CAVITE – Isa ang namatay makaraang mahulog ang dalawang sasakyan sa kinukumpuning tulay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi at nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, dalawang sasakyan ang nahulog sa Obispo Bridge sa Antero Soriano Highway sa magkahiwalay na insidente.

Unang nahulog ang kotseng itim na may lulang tatlo katao na pawang mga nakainom ng alak, noong Linggo ng gabi.

Sumunod namang nahulog ang isang puting van nitong Lunes ng madaling araw, lulan ang tatlong magkakapamilya na ikinamatay ng isa sa mga ito.

Napag-alaman, nasa madilim na bahagi ng tulay ang karatula na nagbababalang kinukumpuni ito kaya’t hindi agad napapansin ng dumaraang mga motorista sa lugar. (CYRILL QUILO)

177

Related posts

Leave a Comment