PEN INTERNATIONAL SA KANILANG ‘ALL IN’ MATUTUNGHAYAN SA 2021 ONLINE CONGRESS

Ang Philippine Centre of International PEN (Poets, Essayists, Novelists), sa pakikipag-ugnayan sa Cultural Center of the Philippines, ay magkakaroon ng taunang Congress sa Mayo 15, sa pamamagitan ng official Facebook pages ng CCP, CCP Intertextual Division, at ng Philippine Center of International PEN.

Sa temang “All In,” layon ng congress na magkaroon ng linguistic at cultural inclusivity na inihahatid ng digital space, gayundin na ihayag ang sama-samang pag-asa ng mga Filipino na kailangan na kailangan sa panahon na kinahaharap natin ngayon.

Sa ika-100 taon ng PEN International, ang tema nila sa taong ito ay sumisimbolo sa solidong pagbubuklod ng organisasyon upang ipaglaban ang Freedom of Expression sa buong mundo sa paghahatid ng isang mensahe ng pagkakaisa sa kalayaan at dignidad – kaugalian ng mga manunulat na Pinoy na siyang dapat na ihayag at ipakita sa kanilang mga obra.

Ang isang araw na congress na ito ay nasa dalawang bahagi. Ang una ay katatampukan ng isang keynote address ni Bro. Karl Gaspar, susundan ito ng traditional Jose Rizal lecture ni Dr. Reynaldo Ileto. Ang morning session ay para sa mga aktibong miyembro ng organisasyon, ngunit ito ay mapapanood nang live sa Facebook pages ng CCP at ng Philippine PEN.

Ang ikalawang bahagi ay gaganapin sa hapon. Tunghayan ang “Free the Word” kung saan tampok dito ang public readings at pagtatanghal ng mga kilalang manunulat at artistsa sa buong bansa, kabilang sina Elsie Coscolluela, Rody Vera, Anton Juan Jr., Edgar Samar, Frank Rivera, John Iremil Teodoro, Jhoanna Cruz, Guelan Luarca, Adjani Arumpac, JK Anicoche, Erl Sorilla, Jonathan Davila, Richard Hangdaan Kinnud, Jason Chancoco, at Neldy Jolo, at iba pa. Ito ay bukas sa publiko.

Sundan ang CCP, CCP Intertextual Division, at PEN International Facebook accounts para sa iba pang updates.

166

Related posts

Leave a Comment