Kumpiskadong langis PAKINABANGAN KESA MASAYANG

WALA dapat masayang sa gitna ng kawalan. Ito mismo ang pahiwatig ng Bureau of Customs-Port of Surigao (BOC-POS) makaraang mapagpasyahang ibigay na lamang sa lokal na pamahalaan ang walong drum ng langis na nasabat ng nasabing kawanihan.

Sa isang simpleng seremonya, pormal na rin isinalin sa City government ni BOC-POS District Collector Jonna Herber Dollano ang mga kumpiskadong langis sa Surigao City government na kinakatawan ni Mayor Ernesto Matugas Jr. Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Lungsod.

Kabilang din sa mga dumalo si Auction and Cargo Disposal Division Chief Reynaldo Pappeleras, Rayana Geraldino ng City Auditor’s Office, Engr. Elmer Tecson na tumatayong hepe ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Legal Counsel Atty. Manuelito Delani.

Ayon kay Mayor Matugas, malaking tulong ang donasyong langis sa kanilang recycling program para sa produksyon ng flower pots at hollow blocks mula sa nakolektang basura.

Enero 2019 nang masabat ng BOC ang walong drum ng langis sa Taganito HPAL Nickel Corp., sa Taganito Special Economic Zone, Claver, Surigao del Norte. (JO CALIM)

168

Related posts

Leave a Comment