Kung hindi APOR – Eleazar TRAVEL AUTHORITY KAILANGAN PA RIN NG MGA BIBIYAHE

IPINAALALA ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kailangan pa rin ng travel authority para makatawid ng ibang lalawigan.

Ito aniya ay kung hindi Authorized Person Outside of Residence (APOR) ang bibiyahe palabas ng Metro Manila.

Ito’y kahit na karamihan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

Agad nagsagawa ng paglilinaw si Eleazar matapos kumalat sa social media ang mga mensahe na nagsasabilifted na ang lahat ng travel restrictions sa bansa.

Ni-recycle lang aniya ito para palabasin ngayon na ang JTF-COVID Shield ang nag-alis ng travel restriction.

Giit ni Eleazar, walang deklarasyon ang JTF COVID Shield sa pag-aalis ng requirements sa travel authority.

Layunin lang aniya ng mga nagpapakalat ng fake news na lituhin ang publiko at i-discredit ang pamahalaan.  (ANNIE PINEDA)

124

Related posts

Leave a Comment