LA NINA NAGSIMULA NA

ASAHAN nang magiging madalas ang mga pag-ulan kasunod ng deklarasyon ng PAGASA na nagsimula na ang La Niña sa bansa.

Ayon sa weather bureau, makararanas ng matinding pag-ulan sa mga susunod na araw na nagsimula kahapon.

Sa pagtataya ng PAGASA, asahan na mararamdaman ang ‘full blown’ ng La Niña sa katapusan ng Oktubre o sa unang bahagi ng buwan ng Nobyembre.

Paliwanag pa ng PAGASA, inaasahang labis na tatamaan ng La Niña ang silangang bahagi ng Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa mga pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang pinsalang posibleng idulot ng labis na pag-uulan. (DAVE MEDINA)

126

Related posts

Leave a Comment