HUWAG SUKUAN ANG LABAN

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election campaign na tatapusin nila ang katiwalian sa gobyerno kapag siya ang nanalo at isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nanalo.

Pagod na at sawang sawa na kasi ang mga tao sa katiwalian sa pamahalaan na tila wala ng katapusan kaya naghanap ang mga tao ng kandidato noong 2016 presidential election na tatapos sa problemang ito na dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa.

Mayor pa lamang ng Davao City, tanyag na si Duterte sa mga Filipino dahil sa kanyang tapang at kung ano ang sinabi niya ay yun ang ginagawa niya.

Kaya nang mangako siya na tatapusin ang corruption sa pamahalaan siya ang ibinoto ng 16 na milyong Filipino.

Pero matapos ang ma­higit apat na taon, parang sinusukuan niya ang laban kontra sa katiwalian sa pamahalaan. Ibig sabihin, malala pa rin ang corruption na kinasasangkutan ng mga public officials.

Sumasakit ang kanyang ulo at mapapahiya siya sa sambayanang Filipino lalo na sa mga bumoto sa kanya apat na taon na ang nakakaraan kaya sumasagi sa kanyang isip na mag-resign na lang.

Pero huwag sanang sukuan ng Pangulo ang laban kontra sa katiwalian. Mayroon pang halos dalawang taon siya sa kapangyarihan at ibuhos ang natitirang oras sa mga tiwali sa gobyerno.

May kasabihan, bago mo linisin ang bakuran ng iba, magwalis ka muna sa paligid ng bahay mo.

Simulan ang paglilinis sa paligid niya dahil maraming alingasngas na marami siyang mga appointee at pinagkakatiwalaang tao ang nasasangkot daw sa katiwalian na hindi niya alam.

Hindi na ‘yan bago dahil sa mga nakaraang mga administrasyon, ang mga appointee ang nagpipista kaya pagkatapos na ang termino ng kanilang amo ay magaganda na ang buhay, ­mayayaman at nagnenegosyo na.

Ibig sabihin nakapag-ipon at saan ­galing ang naipon, sigurado hindi sa kanilang suweldo kundi sa katiwalian.

Ang mga appointee at pinagkakatiwalaang mga tao ng Pangulo na laging sangkot sa katiwalian ay hindi nakakarating sa kanilang principal dahil nakabakod sila kaya lahat ng impormasyon sa kanilang masamang ginagawa ay hindi nakakarating sa kanilang amo.

Yung mga corruption sa baba ang lagi lang nakikita pero sa itaas natatabunan.

Sa taas nangyayari ang malalaking katiwalian pero hindi yun alam ng Pangulo dahil umaasa lang siya sa mga impormasyon mula sa mga nakapaligid sa kanya na karaniwan ay nasala na.

Hindi ko sinasabi na pabayaan ang katiwalian sa baba dahil ang binibiktima ng mga corrupt sa ibaba ay mga karaniwang tao na may transaksyon sa mga ahensya.

Kailangang pagtuunan din ito ng seryosong atensyon dahil ang mga maliliit ang kanilang biktima.

Pero kailangang tutukan ang mga nasa itaas dahil dun nangyayari ang katiwalian. Mangyayari lang yan kung hindi lang sa nakapaligid sa kanya umaasa ng impormasyon ang Pangulo.

Kailangang magkaroon ang pangulo ng impormasyon mula sa third party kung talagang nais niyang magsugpo ang katiwalian pero kung aasa lang sa mga taong nasa paligid niya walang mangyayari.

At kapag may mahuli, huwag lang naman alisin sa puwesto at ilipat sa ibang tanggapan… kasuhan… dahil kung papalagpasin lang yan eh talagang walang mangyayari.

130

Related posts

Leave a Comment