INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na hindi dapat pinalalampas ni Pangulong Duterte ang kapalpakan sa pamamahala ni Health Secretary Francisco Duque III sa pondong inilaan sa pagtugon laban sa pananalasa ng COVID-19.
Ayon kay Lacson, kabilang sa kapalpakan na napuna ng Commission on Audit (COA) ang P67.32 bilyong pondo na mali ang paggastos o maraming deficiencies kabilang ang hindi nabayarang special risk allowance ng health workers.
Iginiit ni Lacson na dapat sipatin ni Pangulong Duterte ang sitwasyon, hindi lamang kay Duque at pakinggan ang sentimyento ng taumbayan sa pagbabago dahil isa itong halal ng opisyal.
“He was elected by the people whom he has sworn to serve,” aniya.
“Hirap na ang ating mga health workers, na kasama sa mga Pilipinong pinangakuan ng Pangulo na pagsilbihan. Marami sa kanila ay pinagkakaitan ng Special Risk Allowance na nakapaloob sa Bayanihan Act, na Malakanyang mismo ang nakiusap sa amin sa Kongreso na ipasa,” paliwanag ni Lacson.
“Ang incompetence ay hindi dapat pinapalampas, lalo na sa gitna ng krisis na dulo ng pandemya,” patapos ng senador. (ESTONG REYES)
165 