LACSON: SEN. ALAN NATATARANTA NA SA ISYU NG TAGUIG

MULING pinasaringan ni Senador Panfilo Lacson si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na inakusahan niyang nagpapakita ng pagkataranta sa pagtatangkang baligtarin ang usapin sa mga umano’y maanomalyang proyektong pang-imprastraktura at ilegal na reclamation sa Taguig.

Ayon kay Lacson, ginawa ito ni Cayetano sa pinakahuli nitong Facebook Live na tinawag niyang “live selling.”

Hinamon ni Lacson si Cayetano na pangalanan ang mga indibidwal na umano’y nagsabing binantaan niya ang mga ito upang direkta niyang masagot ang naturang alegasyon.

Binigyang-diin din ng senador na walang anomang pagtatangkang baluktutin ang kuwento ang makapag-aalis sa pananagutan ng mga sangkot sa mga iregularidad.

“Spinning tales betrays panic but like guilt, it will never go away,” pahayag ni Lacson sa kanyang post sa X.

“Sen. Cayetano should name the ‘individuals’ he alleged I threatened, so I can properly address this new issue point by point,” dagdag niya.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na nakatanggap siya ng mga “feelers” na may ilang partido umanong pine-pressure upang umamin na may mga iregularidad sa Taguig.

Nauna nang inilarawan ni Lacson bilang demolisyong udyok ng pulitika, fake news at trial by publicity ang mga paratang ni Cayetano hinggil sa umano’y mga iregularidad.

“PATHETIC. Imagine someone ‘quacking’ on FB Live with accusations of politically motivated demolition job, fake news and trial by publicity and at the same time ‘quaking in his boots’ every time each piece of evidence of corruption in his turf unfolds before his eyes,” pahayag ni Lacson.

(DANG SAMSON-GARCIA)

341

Related posts

Leave a Comment