CAMP Vicente Lim – Pumalo na 10,000 ang tinatayang bilang ng mga nahuli sa paglabag ng enhanced community quarantine guidelines sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Laguna Provincial Police Office.
Gayunpaman, parusang community service lamang ang ipinataw na parusa sa 132. Multa naman ang katumbas sa paglabag ng 162 katao samantalang first warning naman ang sa nalalabi pang nasita sa patuloy na paghihigpit ng Laguna PNP sa buong lalawigan.
Kabilang ang Laguna sa mga isinailalim sa mahigpit na ECQ bunsod na din ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng hawahan ng COVID-19 sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Laguna provincial police director Serafin Petalio, patulot nilang paiiralin ang 24-ras na pagpapatrolya sa iba’t ibang bayan sa tangkang pigilan ang pagdami ng kaso ng mga tinamaan ng
COVID-19. Higit pang ikinabahala ni Petalio ang pagpasok ng higit na mabagsik sa Delta variant.
Kabilang sa mga naging paglabag ay ang umiiral na curfew hours, mali, kundi man walang suot na protective masks at face shields at yaong nahuli sa mga pagtitipon.
Inaasahan naman ang isa two-week extension ng ECQ para sa Laguna bunsod na rin ng patuloy pang pagsirit ng hawahan sa buong lalawigan. (CYRILL QUILO)
