‘LAKBAYAW’ SUSPENDIDO SA PISTA NG STO. NIÑO

ILANG araw na lamang ay ipagdiriwang na ang pista ng Sto. Niño De Tondo at Sto. Niño De Pandacan ngunit malungkot ang ilang deboto dahil sa pagsuspinde sa ‘Lakbayaw’.

Ayon sa Direktiba ni Manila Police District Director, Police B. Gen. Andre P. Dizon kina Police Lieutenant Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Moriones Police Station 2; Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Raxabago Police Station 1, at Police Lieutenant Colonel Jonathan Villamor, commander ng Jose Abad Santos Police Station 7, na sumasakop ng pista ng Sto. Niño sa Tondo, pag-iibayuhin ang seguridad upang mairaos nang payapa ang pagdiriwang.

Ayon kay General Dizon, tanging mga motorcade ng mga deboto lamang ang papayagan na maisagawa para sa nasabing kapistahan.

Suspendido muna ang ang ‘Lakbayaw’ base na rin sa napag-usapan ng pulisya at ng pamunuan ng Sto. Niño Church.

Ang ‘Lakbayaw’ ay isang uri ng prusisyon kung saan ang imahe ng Sto. Niño ng mga deboto na may iba’t ibang kasuotan, ay ipinaparada kasabay ng kasiyahan, sayawan at tugtugan.

Kaugnay sa nasabing selebrasyon, ilang kalsada ang kakailanganing isara sa mga motorista bago at sa mismong araw ng Kapistahan.

Iniutos din ng MPD na ipatupad nang mahigpit ang liquor ban ngunit depende sa magiging desisyon o anunsyo ng pamahalaang lokal kung ipagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa kapistahan gaya nang ipinairal sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Kaugnay naman ng pista ng Pandacan, katulad sa pagdiriwang sa Tondo, inabisuhan din si Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Pandacan Police Station 10, hinggil sa seguridad na ipatutupad sa selebrasyon. (RENE CRISOSTOMO)

325

Related posts

Leave a Comment