LAKERS SUBSOB SA CLIPPERS

KUMAMADA si Reggie Jackson ng season-high 36 points, nine assists at eight rebounds para sa Los Angeles Clippers, na ibinaon ang visiting Los Angeles Lakers sa 132-111, Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagdagdag si Ivica Zubac ng 19 points at nine rebounds upang i-extend ang winning streak ng Clippers kontra Lakers sa seven games.

Na-sweep din ng Clippers ang four-game season series nila ng Lakers na first time nangyari ­simula noong 2015-16 season. Tatlong games lang nagharap ang dalawang team noong nakaraang season at hindi nakatikim kahit isang panalo ang Lakers.

Bumulusok ang Clippers sa 23-0 run sa ­unang bahagi ng second half upang makontrol ang laro para itala ang fifth consecutive win.

Nanguna si LeBron James sa Lakers sa kanyang 26 points at eight rebounds, habang si Russell Westbrook ay may ambag na 17 points at eight rebounds para sa kanilang fourth consecutive lost, simula nang magkaroon ng right foot sprain si Anthony Davis, at ­seventh sa nakalipas na eight games.

Lumamang ang Clippers ng hanggang 17 points sa second period bago ­nagrali ang Lakers, 14-0 at naka­dikit, 66-63. Ngunit sa third quarter ay muling nag-init ang Clippers at tuluyang lumayo, 106-81 papasok sa final period.

Nagtala ang Clippers ng 55.4 percent shooting at 63 percent (17 of 27) from 3-point range. Ang Lakers naman ay 48.8 percent (41 of 48) from the floor at 34.3 percent (12 of 35) from long distance.

Si Marcus Morris Sr. ay nagdagdag ng 14 points para sa Clippers, habang si Hartenstein at Robert ­Covington ay mag tig-12, at 11 mula kay Luke Kennard.

Si Carmelo Anthony ay nagposte ng 13 points para sa Lakers, habang sina Malik Monk at Wayne Ellington ay may tig-12 points.

GSW BIGONG
BUMAWI SA MAVS

NAGPASABOG si Luka Doncic ng game-high 41 points para sa host Dallas Mavericks, na muling binigo ang Golden State Warriors, 122-113, sa kanilang rematch ngayong linggo.

Na-outscore ni Doncic si Stephen Curry sa panglimang head-to-head matchups nila, kung saan umiskor ng higit 40 for the sixth time this season ang una at tinulungan ang Mavericks para angkinin ang third straight at ninth time win sa huling 11 outings nila. Talo sa ­Mavericks at home ang ­Golden State, 107-101, noong Linggo (Lunes sa ­Manila).

Nanguna si Jordan Poole, may team-high 23 points at Curry, 21, sa Warriors na sa unang pagkakataon ngayong season ay natalo ng third in a row.

Matapos maipasok ng Mavericks ang 11 sa kanilang 18 3-point attempts na nagbigay sa kanila ng 14-point halftime advantage, nagrali ang Warriors para maitabla ang iskor sa 104 sa back-to-back 3-pointers ni Moses Moody.

Bagama’t hindi naka-iskor ang 19-year-old rookie sa first three quarters, bumawi siya at kumana ng 13 sa final period.

Ngunit agad binasag ni Spencer Dinwiddie ang tie sa kanyang driving floater sa nalalabing 6:06 minuto at mula rito ay hindi na naka­habol ang Warriors para sa ikatlong talo sa apat na paghaharap nila ng Mavs ngayong season.

Si Doncic ay may 15-for-26 overall shooting at 4-for-10 sa 3-pointers para sa Mavericks, na may 17 of 37 3-point attempts kumpara sa 15-for-30 ng Golden State.

Nag-ambag sina Mavs’ Dorian Finney-Smith at Reggie Bullock, kapwa may tig-apat na 3-pointers at kabuuang 18 at 14 points, ayon sa pagkakasunod. Habang si Dinwiddie ay may 17, Jalen Brunson, 14 points at Dwight Powell 13 points.

Para sa Warriors, tumapos si Andrew Wiggins na may 17 at si Klay Thompson na galing sa sakit ay may 16 points.

Sa four-game trip ay wala pang panalo ang GSW, nabigo sa Minnesota at dalawang beses kontra Dallas.

GRIZZLIES PANIS
SA CELTICS

MULA simula hanggang matapos ang laro ay ipinakita ng Boston Celtics ang kanilang superiority nang magtala ng 120-107 kontra visiting Memphis Grizzlies.

Bumida sa Celtics si Jayson Tatum, 37 points, six rebounds at five assists. Ang 21 points ay iniskor niya sa fourth quarter.

Nagsalaksak si Al Horford ng four 3-pointers sa kabuuang 21 points, 15 rebounds at five assists. Si Marcus Smart ay may 18 points at 12 assists, at si Robert Williams III ay nagdagdag ng 10 points at 12 boards para sa Celtics.

Muling nanguna sa Grizzlies si Ja Morant na may game-high 38 on 13-of-29 shooting. Umiskor siya ng 46 at 52 points sa naunang dalawang games ng team.

Si Jaren Jackson ay nagdagdag ng 20 points para sa Memphis, at Desmond Bane ay may 17, kasama ang five 3-­pointers.

Na-outscore ng ­Celtics ang Grizzlies, 36-27 sa third quarter kung saan kumana si Smart ng ­back-to-back 3-pointers sa first minute at sinundan pa ng isa pang tres ni ­Derrick White para ­palobohin sa 16-point ang lead sa ­nalalabing 59.9 seconds.

Pagdating ng final quarter ay nag-13-3 run pa ang Celtics sa pangunguna nina Horford at Tatum, para sa 17 puntos na abante sa natitirang 6:49 minuto.

Hindi pa rin nakalaro si Boston star Jaylen Brown matapos magtamo ng right ankle sprain, Martes (Miyerkoles sa Manila) kontra Atlanta Hawks.

Si Aaron Nesmith, pumalit kay Brown, ay agad din lumabas at hindi na bumalik matapos ang first quarter dahil sa kaparehong injury.

Sa iba pang mga laro: Tinalo ng Miami Heat ang Brooklyn Nets, 113-107; Atlanta Hawks laban sa Bulls, 130-124; Detroit ­Pistons kontra Toronto Raptors, 108-106; at wagi ang Sacramento Kings sa San Antonio Spurs, 115-112.

164

Related posts

Leave a Comment