LALAKI BINIGTI SA ALAMBRE

LAGUNA – Hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa isang subdibisyon sa Calamba City sa lalawigang ito, nitong Sabado.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ng nagrorondang security guard ang bangkay sa isang madamo at bakanteng lote sa loob ng Ridgemont South Subdivision sa Barangay Makiling.

Sa pagsisiyasat, natuklasang binigti ito ng alambre na nakapulupot sa kanyang leeg.

Binalot din ng plastic bag at masking tape ang buong ulo nito.

Hinala ng mga awtoridad, pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang doon ang bangkay.

Dinala na ang bangkay sa funeraria sa Calamba City habang hinihintay na kilalanin ito ng kanyang mga kaanak. (JG TUMBADO)

174

Related posts

Leave a Comment