HUMIHINGI ng tulong sa publiko ang Sto. Tomas City Police Station sa Batangas para sa agarang pagkakakilanlan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang walang buhay sa San Juan River Bridge sa Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City.
Natagpuan ang lalaki dakong alas-6:00 ng umaga noong Biyernes, Setyembre 18, 2026, ayon sa paunang impormasyon ng pulisya.
Kabilang sa mga palatandaang maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng lalaki ang suot nitong puting T-shirt na may print at puting sapatos.
Mayroon din umano itong tattoo sa kaliwang itaas na bahagi ng binti at dalawang clown face tattoo sa kaliwang dibdib.
Sa ngayon, nasa isang funeral homes sa Barangay Poblacion 4, Sto. Tomas City ang labi para sa kaukulang disposisyon at proseso ng pagkakakilanlan.
Nanawagan ang pulisya sa sinomang nakakikilala sa lalaki o may nawawalang kapamilya na maaaring tumugma sa mga palatandaan, na makipag-ugnayan agad sa Sto. Tomas Component City Police Station.
Maaaring tawagan ang pulisya sa numerong 0998-598-5706.
Hinihikayat din ang publiko na i-share ang impormasyon upang mas mabilis itong makarating sa mga posibleng kaanak o pamilya ng hindi pa nakikilalang lalaki.
(NILOU DEL CARMEN)
87 