LALAKI NIRATRAT SA TERRACE, PATAY

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-8:00 ng gabi noong Miyerkoles, Mayo 14, sa Purok 1, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria sa lalawigan.

Ayon sa Candelaria Police, ang biktima ay kinilalang si alyas “Joe”, 35, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo umano ang biktima sa kanilang terrace nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito ng ilang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Candelaria-San Juan Road.

Wala pang malinaw na motibo sa pamamaril na patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

(NILOU DEL CARMEN)

30

Related posts

Leave a Comment