BATANGAS –Patay ang isang 42-anyos mister na matapos barilin ng isang lalaki na nagpakilala sa misis nito na kanyang kumpare sa bayan ng Lian sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.
Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Carlo Mendoza, residente ng Barangay Binubusan, Lian, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa asawa ng biktima na si Kristina, nasa loob sila ng kanilang bahay bandang alas-6:50 ng gabi, nang dumating ang mga suspek.
Nagtanong umano ang mga suspek at sinabing “Nasaan si Pareng Carlo?”
Paglabas ng biktima, biglang naglabas ng baril mula sa sling bag ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ito.
Agad na tumakas ang hindi nakilalang mga suspek lulan ng motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam ang posibleng motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)
