Lantaran ang pagiging biased LEONEN PINASISIPA SA ELECTORAL PROTEST NI MARCOS

NELSON S. BADILLA

HINILING kahapon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II sa Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na bitawan ni Associate Justice Marvic Leonen ang pagiging ponente sa kanyang electoral protest laban kay Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo dahil sa hayagang pagpapakita nito ng pagiging biased sa pamilya Marcos.

Sa kanyang “strong motion with extremely urgent motion”, idiniin ni Marcos ang kahilingang “immediate inhibition of … Leonen from participating in any of the proceedings relating to [my] election protest on the ground of evident bias and manifest partiality in favor of … Robredo”.

Kasama sa mosyon ni Marcos ang pagkakaroon ng “re-raffle” ng kanyang protesta at resolusyon ng PET sa lahat ng nakabinbing kaso, o usapin, na may kinalaman sa nasabing protesta.

Nakuha ni Leonen ang kaso ni Marcos noong Oktubre 29, 2019 makaraang magretiro ang orihinal na ponente ng protesta na si Justice Alfredo Caguiao at ibasura rin ng halos buong kasapi ng PET ang kanyang hatol na tapusin ang protesta ni Marcos noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Pahayag ni Marcos, “If truth be told, the scathing pronouncements of Associate Justice Leonen in a number of landmark cases, his previous employment history as well as the manner in which he handled the election protest, thus far will prove that he will not be a fair and impartial ponente in an instant electoral protest”.

Ang tinutukoy ni Marcos ay ang mga desisyon ni Leonen sa mga kasong mayroong kinalaman sa pamilya Marcos.

Isa riyan ang pagtutol niya sa paglibing sa yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa lungsod ng Taguig.

Sa halip na mga isyu hinggil sa legalidad at batayan ang kanyang kinuwestyon, hinusgahan, inakusahan at inupakan ni Leonen ang pagkatao at mga nagawa ni Marcos noong ito pa ang pangulo ng bansa.

Makikita sa kanyang mga salitang ginamit at talata ang napakatinding galit, pagkamuhi at pagyurak ni Leonen sa pamilya Marcos, kasama na si BBM at kanilang mga kaibigan.

“Leonen displayed palpable bias and partiality against the entire Marcos family,” banggit ng dating senador.

Partikular na tinutukoy ni Marcos sa mga nakalipas na trabaho ni Leonen ay ang pagiging punong negosyador nito ng administrasyong Aquino sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa halip na ilatag ang pundasyon tungo sa kapayapaan ay “ibinenta ni Leonen ang soberenya ng Pilipinas” mapagbigyan lamang ang kapritso at kagustuhan ni dating Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III na ‘mapatahimik’ ang MNLF.

“Given [Leonen’s ] past pronouncements [against the entire Marcos family and friends] and previous employment history, one might surmise that the electoral protest would be the perfect venue for Associate Justice Leonen to exact vengeance,” saad pa ni Marcos.

Sa kanyang protestang elektoral, diretsahang tinumbok ni Marcos na mula unang araw na naging ponente si Leonen ng naturang kaso ay hindi na ito kumilos nang patas.

Isang taon nang hawak ni Leonen ang kaso, ngunit inatasan pa niya ang Office of the Solicitor General (OSG) at ang Commission on Elections (Comelec) upang alamin sa dalawang ito kung legal bang ituloy ang “annulment of votes” sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao , o hindi.

Pinagkomento pa niya ang dalawa kung mayroong kapangyarihan o wala, ang PET sa kahilingan ni Marcos na ipawalang bisa ang mga boto sa nasabing lalawigan.

Nanindigan at iginiit ng OSG at Comelec sa kani-kanilang komentaryo na mismong Konstitusyon ang nagsabi na ang Korte Suprema na nagsisilbing PET ang siyang “sole judge” sa protestang elektoral sa eleksyon sa pangulo at pangalawang pangulo.

Ipunto ni Marcos na hindi dapat galit at paghihiganti sa pamilya Marcos ang batayan ng desisyon ng PET sa protestang elektoral kundi iyong mga isyung magpapatunay hinggil sa reklamong malawakang pandaraya ng kampo ni Robredo noong eleksyong 2016.

Sa paghahain ng mosyon upang matanggal si Leonen sa kaso, nilinaw at muling iginiit ng abogado at tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na “annulment of votes” pa rin sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao ang pangunahing kahilingan nila sa PET at hindi ang “failure of elections”.

Ani Rodriguez, simula noong isinampa ni Marcos noong Hunyo 29, 2016 ang kasong pandaraya ni Robredo sa eleksyong 2016 ay pagpapawalang bisa na sa elelskyon sa tatlong lalawigan sa Mindanao ang isa sa mga nilalaman ng protesta nila.

Idiniin ni Rodriguez na ang annulment of votes ang siyang tama at epektibong hakbang dahil mayroon nang naproklamang kandidatong nanalo sa pagkabise-presidente.

177

Related posts

Leave a Comment