LEGISLATIVE IMMUNITY SA 3 TESTIGO VS PHILHEALTH ANOMALIES INAPRUBAHAN NG SENADO

INAPRUBAHAN ng Senado ang legislative immunity para sa tatlong testigo sa isinasagawang imbestigasyon sa multi-bilyong pisong anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation
(PhilHealth) na kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng ahensiya.

Sa ginanap ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III, naghain si Senador Panfilo Lacson na mosyon upang bigyan ng immunity ang mga
testigo.

Sinabi ni Lacson na kabilang sa binigyan ng legislative immunity sina Board Member Alejandro Cabading, resigned head executive assistant Estrobal Laborte, at resigned anti-fraud officer Atty.
Thorrsson Montes Keith.

Inaprubahan kaagad ni Sotto ang mosyon matapos walang tumutol sa panukala.

Nauna nang hiniing ni Cabading ang legislative immunity sa ginanap na huling pagdinig, samantalang sumulat naman si Keith sa Senado hinggil dito.

Sa kabilang dako, tumestigo si Estrobal matapos siyang mag-back out noong nakaraang pagdinig sa iba’t ibang kadahilanan kabilang ang sariling seguridad.

Nagbanta ang ilang opisyal na inaakusahan na magsasampa ng kasong libelo laban sa mga testigo sa alegasyon na dinambong ng executive committee ang multi-bilyong halaga ng pondo. (ESTONG REYES)

91

Related posts

Leave a Comment