LGUs PINAKIKILOS VS ASF

NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng local government units (LGU’s) sa bansa na makipagtulungan sa kanila para mapadali ang pagsugpo at maiwasan ang pagkalat pa

ng African Swine Fever o ASF virus sa mga alagang baboy sa buong kapuluan.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng DA na umabot na sa lalawigan ng Camarines Sur ang nasabing virus sa maraming alagang baboy na isinailalim sa culling operation.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na kailangan umanong mas higpitan pa ng LGUs ang pagpapatupad ng quarantine checkpoint sa lahat ng entry at exit points ng kanilang nasasakupan

upang matiyak na walang nakakapuslit na produkto na maaaring pagmulan ng virus.

DAAN-DAAN KAKATAYIN

NASA 900 baboy ang kakatayin sa limang purok sa Barangay Inayangan, Calinan District, lungsod ng Davao, ilang araw matapos makuha ang samples kung saan nagpositibo ang mga ito sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Noel Provido, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA)-Davao Regional Agriculture and Fisheries Information Section chief, sisimulan ang culling matapos irekomenda ng 19th

City Council sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Council (DCDRRMC) na ideklara ang lugar sa ilalim ng state of calamity.

Sinabi ni Provido na ang pagpatay sa mga baboy ay kinakailangan upang makontrol ang impeksyon ng ASF sa ibang lugar. Sinabi naman ni City Veterinarian’s Office (CVO) head Cerelyn Pinili na gagawin ang pagpatay sa ilalim ng koordinasyon sa DA at ibang responsableng ahensiya. JG TUMBADO,   DONDON DINOY

 

175

Related posts

Leave a Comment