LIDER, 4 TAUHAN NG DRUG GROUP TIMBOG SA P1-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Bryan Felizardo drug group at apat na iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang arestado na si Bryan Felizardo, 31, binata, ng 149-C Gawaran St., Brgy. Digman, Bacoor City, high value individual, at kabilang sa Regional Priority List ng PRO 4A.

Arestado rin ang umano’y mga kasabwat ni Felizardo na sina Geraldo Ordoñez, 48; Recardon Mahilum, 40; Ricard Dealca, 33, at Queenllie Mata, 20-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 noong Martes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA-Cavite, Bacoor City Police, at Gen. Trias CPS sa NIA Open Canal Road sa Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,700,000, apat na cellphone, driver’s license ni Felizardo, iba’t ibang ID at boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

190

Related posts

Leave a Comment