RIZAL – Hawak na ng Rizal PNP ang 64 anyos na umano’y lider ng robbery at gun for hire group sa Antipolo City.
Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay, ang mga nadakip na sina Teddy Serafin Garcia, 64, itinuturong lider ng grupo; Joeman De Luna at Joemary De Luna, magkapatid, pawang mga residente ng Sitio Igiban, Zone 7, Brgy. Cupang sa lungsod.
Nadakip si Garcia ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Antipolo PNP sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder, at search warrant sa kanyang bahay noong Enero 25
Nakuha sa lider ng grupo ang .45 kalibreng baril, mga bala nito at isang holster.
Nakapiit na ang suspek sa nasabing himpilan ng pulisya. (KNOTS ALFORTE)
486
