MGA PAG-IINGAT SA REF AT SA PAGKAING NARIRITO

Ni Ann Esternon

Alam ng mommies kung anong silbi ng refrigerator sa tahanan. Kung tutuusin, malaking kaginhawaan ito upang manatiling fresh at may nutrients ang mga pagkaing naririto at makatipid sa pera.

Kailangan ng refrigerator upang makapag-imbak dito ng mga pagkain na pwede hanggang ilang araw o buwan. Pero dapat ding ikonsidera ang mga pagkaing ilalagay sa ref para iwas gastos at maging safe rin ang buong pamilya.

– Panatilihing ang temperatura ng ref ay mas mababa sa 40°F (4.44°C). Sa ganitong paraan ay mabagal na makasisira ang bacteria sa mga pagkain.

– Mainam kung ang mga pagkain ay nasa airtight containers o may takip, nakabalot o selyado pa. Ito ay upang hindi mawala ang tamang moisture sa mga pagkain at makaiwas sa pag-absorb ng amoy. Kapag may sira ang container agad na ikonsumo ang pagkaing narito.

– Hugasang maigi ang mga prutas at gulay na binili. Patuyuin ang mga ito nang natural sa hangin o gamitan ng paper towel bago ilagay sa ref.

– Iwasang punuing masyado ang ref dahil ang lamig na narito ay dapat na makaikot sa loob sa loob.

– Linisan ang ref isang beses sa loob ng isang linggo upang makaiwas sa bacteria. Itapon din ang mga pagkaing kwestiyonable para iwas food poisoning gaya ng pagkakaroon ng lumot.

– Hugasang maigi ang mga karne, manok at isda matapos na bilihin. Ilagay ito sa kanya-kanyang containers para makaiwas sa pag multiply ng bacteria. Ipuwesto ang mga ito sa pinakalapag ng freezer.

– Mag-imbak ng sapat na dami ng itlog sa loob ng carton saka ilagay sa ref, mas mainam ito para magtagal sa pagiging fresh.

– Paghiwalayin ang mga prutas sa gulay. Ang mga prutas ay may ethylene gas na nakababawas sa storage life ng mga gulay.

– Huwag hayaang bukas ang mga gatas at ilagay ito sa container upang hindi agad masira.

– Bago buksan ang ref, isipin muna maigi ang mga kukunin dito para isang bukasan na lamang para hindi kumawala ang lamig, maiwasan ang bacteria at makatipid sa kuryente.

921

Related posts

Leave a Comment