MILK TEA, NAKAKA-DIABETES

Ni Ann Esternon

Mahilig ka ba sa milk tea? Ikaw ba ang tipong umuubos ng pera at umaabot sa higit sa dalawang milk tea ang naiinom sa isang lingo?

Sa panahon ngayon na marami ang umiinom ng milk tea ay may ipinapayo ang nutritionists. Dumarami na kasi ang nainom nito at kahit saan ay halos available na ang mga ito hindi lamang sa mga mall, dahil kahit sa kanto lamang ng inyong lugar ay mayroon nito.

Mas nagiging delikado kapag napaparami ang inom nito sa bawat araw. Mas mataas din ang tendency na marami ang mainom nito kapag mura ang presyo nito at maraming iba pang ingredients na nilalagay kahit hindi wala naman talagang nutritional value.

Ayon sa nutritionists, napakataas ng calorie content ng milk tea at mataas din ito sa sugar dahil matamis. At kung ganito, ay malaki ang tsansa natin na magkaroon ng type 2 diabetes. Posible ring magkaroon ng problema sa puso ang taong mahilig sa milk tea o yaong mga taong nainom nito na mahigit sa dalawang servings kada araw.

Ipinapayo rin ng nutritionists na mas ligtas sa kalusugan kung iinom lamang ng milk tea na isang beses lamang sa isang linggo. Hindi lamang ito tipid pero naiiwasan na malagay sa peligro ang ating mga kalusugan at iwas bayarin sa ospital.

393

Related posts

Leave a Comment