LOCKDOWN SA MM ‘FAKE NEWS’

MAITUTURING na fake news ang mga kumakalat sa social media kaugnay ng plano umanong pagdedeklara ng pamahalaan ng dalawang linggong total lockdown sa Kalakhang Maynila.

Pinabulaanan ng Palasyo ang nasabing mensahe.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang katotohanan ang ipinakakalat na text message na magkakaroon ng “circuit breaker” na lockdown sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang noong Biyernes ay inihayag ng Department of Health na pinag-iisipan nilang irekomenda na ipatupad ang “circuit breaker” para magkaroon ng timeout ang mga health worker.

Bukod dito, babawasan ang capacity ng mga establisimyento at mga pampublikong lugar.

Ngunit hindi pa umano nakikita ng pamahalaan na kailangan nang magdeklara muli ng lockdown. (CHRISTIAN DALE)

212

Related posts

Leave a Comment