BAGAMAN patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, positibo ang pamahalaan na magiging maayos ang Paskong 2021.
Pagtiyak pa ng pamahalaan, ginagawa nito ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19.
“Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better Christmas,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Aniya, ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon ay nananatiling “achievable” sa kabila ng bahagyang pagbagal sa vaccination program.
“Right now we’re really moving slow because we can’t vaccinate all our health workers at once. Somebody needs to man the hospital in case of adverse effects,” aniya pa rin.
Tinatayang may 1,125,600 doses na ang dumating sa bansa na nakareserba para sa mga health worker, ikinukonsiderang top priority ng vaccination campaign ng pamahalaan.
Inaasahan naman ng Pilipinas na matatanggap nito ang 2.3 milyong doses mula Sinovac at AstraZeneca ngayong Marso at milyong higit pa sa mga darating na buwan. (CHRISTIAN DALE)
240 