LOLA OTE’s BEST BARBECUE SA QC

BIZZNES CORNER ni JOY ROSAROSO

HANAP ba ninyo ay foodtrip, magandang ambiance at affordable? Dito na tayo sa Lola Ote. Dito makikita ang barbecue na may habang 18 inches na nakatuhog sa metal para tumagal ang init nito.

Ayon kay Ms Hazel Lim, minana pa ng mommy Rose niya ang sikretong timpla ng kanilang barbecue sa mga ninuno nila kaya naman dinadayo ang Lola Ote.

Dagdag pa na tenderloin na karne ang gamit nila at kakaibang style ang pag-serve dahil nakatuhog sa metal at nakasabit patuwad sa lalagyan din na metal kaya clean and juicy isama mo pa ang isaw at tenga ng baboy.

Ito na yata nakita kong napaka sosyal ng presentation, ang linis ng gawa at walang amoy usok. Ang ambiance ay old house type na ginawang moderno kaya naman para kang bumalik sa nakaraan, check mo price, quality and quantity, affordable kasi presyong masa, pero pang five star ang lasa.

Kaya binabalik-balikan ang barbecue dito. Dagdag ang mga best seller na menu nila: lumpiang ubod pero tinapa ang laman, Tagalog nachos style, chicharon bulaklak na color brown ang pagkakaluto at wala kang mantika na makikita. Dagdag mo pa sawsawan suka na sariling gawa at may atsara pa at walang amoy, malinis ang gawa at yummy talaga, kare-kareng sariling gawa ang peanut at malambot ang mga karne at lutong ng gulay sakto lang di ka mauumay, laing with sugpong hipon, catfish, molo soup, bulalo na ubod ng lambot ang baka halos wala kang taba na makikita.

Ang special desert naman ay kinabibilangan ng leche flan with ice cream sa ibabaw, pinagsama mainit at malamig very crunchy ang nakabalot sa lecha plan, ensaymada with sorbetes, maja blanca Panna Cotta, turon with ice cream, suman with latik. The best din ang drink tulad ng bestseller na Chocnut shake, creamy avocado shake, corn milkshake with cheese, at marami pang iba.

Itinatag ang Lola Ote noong 2013 at matatagpuan sila sa Sgt. Esguerra, Quezon City. Mayroon din FB Page ang Lola Ote na pwede ninyong bisitahin for more information,

538

Related posts

Leave a Comment