CAVITE – Timbog ang dalawang indibidwal na magkarelasyon makaraang makumpiskahan ng tinatayang P850,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang arestadong mga suspek na sina alyas “Arapat”, kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs), at alyas “Queenie”, isa namang street value individual (SLI).
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas Component City Police Station, sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City bandang alas-3:20 ng hapon na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 125 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P850,000.
(SIGFRED ADSUARA)
