(NI ROSE PULGAR)
NANAWAGAN ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) sa mga negosyante na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pag-recycle ng mga ‘single-use butane canister’ na iligal na sinasalinan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil sa panganib sa publiko.
Ang panawagan ng DOE ito ay bunsod ng pagkakasakote kamakailan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa dalawang tao sa isang checkpoint at masabat ang kontrabando nila na 1,055 butane canisters na nilamanan ng LPG.
Sinampahan ang mga suspect ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 33 o mas kilala bilang; “An Act Defining And Penalizing Certain Prohibiting Acts Inimical To The Public Interest And National Security Involving Petroleum And/Or Petroleum Products, Prescribing Penalties Therefor And For Other Purposes”.
Iginiit ng DOE na ang mga butane canister ay pang-isahang gamit lamang at hindi akma na paglagyan ng ‘high-pressured LPG’.
Nitong nakaraang Oktubre 30, isang ‘public hearing’ ang ginawa ng Iloilo Sangguniang Panlalawigan (ISP) para sa pagbuo ng ordinansa sa pagkontrol sa industriya ng LPG at pagsawata sa mga iligal na negosyante sa probinsya.
“The Department is closely working with LGUs and other law enforcement agencies to strengthen the DOE’s campaign against unsafe practices. The safety of our people would always remain paramount, especially given the danger to human life posed by the illegal sale of petroleum products,” ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi.
341