LUMAHOK SA SEA GAMES PINASALAMATAN NI PDU30

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Pilipino at coaches na nagpartisipa sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23.

“The results of the Philippine contingent’s participation in the SEA Games, be it “with or without medals,” ang masayang pahayag ng Pangulo.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Rizal Hall, Malakanyang, pinasalamatan nito ang mga atleta at coaches dahil sa dinalang “pride and honor” sa bansa.

Aniya, “very proud” siya sa mga atletang Pilipino sa kanilang matinding paghahanda at dedikasyon para umangat sa regional sports competition.

Nasungkit ng Pilipinas ang pang-apat na puwesto sa medal race kung saan 11 bansa ang kalahok matapos maibulsa ang kabuuang 226 medals sa 31st SEA Games.

Nakapag-uwi ang Pilipinas ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals.

Labis itong ikinatuwa ng Pangulo dahil sa “record-breaking feats” ng Filipino medalists at athletes. (CHRISTIAN DALE)

174

Related posts

Leave a Comment